Monday, March 8, 2010

Message from the Chairman of the Committee on the 50th Year of the Parish


(This message was delivered by Mr. Jilson N. Tio during the Concelebrated Mass on March 7, 2010. This was the launching of the One Year Preparation for the Golden Year of the Parish. The message also includes an explanation of the logo of the celebration.)

Reb. Mons. Bartolome Santos, Jr., Team Ministry Moderator at Rektor ng Pambansang Dambana
Reb. Padre John Paul Avila
Reb. Padre Isidro Rodriguez
Reb. Padre Sonny De Armas
Mga pamunuan ng Sangguniang Pastoral at tagapangulo ng mga komisyon
Mga kasapi ng mga samahang pangsimbahan at mga pamayanang Kristiyano
Mga parokyano at mga deboto ng Mahal na Birhen ng Fatima, isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Tila kamakailan lang ay ipinagdiwang natin ang ika-apat na pu’t limang taon ng ating parokya sa ganitong panahon din ng Kuwaresma. Bagama’t payak ay naging makahulugan ito at pinanabikan ng sambayan ang pagsapit ng ika-limangpung taon. Tunay na naging mabilis ang paglipas ng panahon at hindi pa man sumasapit ang ginintuang taon ng Parokya ay pinagkalooban na tayo ng Panginoon ng biyaya ng Mabuting Pastol at mga gabay sa paglalakbay sa katauhan ng ating kaparian, ang Team Ministry sa pangunguna ni Reb. Mons. Bartolome Santos at mga kasama niyang pari. Ipakita po natin ang ating pagkilala sa kanila sa pagkakataong ito. Palakpakan po natin ang Team Ministry.

Grace. Gratitude. Generosity. Biyaya. Pasasalamat. Kagandahang Loob. Ang tatlong ito ay ating pagtutuunan ng pansin sa loob ng isang taong paghahanda at pagdiriwang ng ginintuang taon ng ating Parokya. Tinatanaw nating malaking biyaya mula sa Panginoong Diyos ang sambayanang ito na hinubog sa tulong ng mga panalangin ng Mahal na Birheng Maria. Ipinagpapasalamat natin ang ating mga kapwa naglilingkod sa Parokya lalo na yaong mga nakasaksi sa pagkakatatag nito mula sa isang maliit na simbahan sa GAMI Compound hanggang sa ito’y itanghal na Pambansang Dambana. Ipinagpapasalamat natin ang lahat ng mga naging bahagi ng ating Parokya kapiling man natin sila ngayon o nasa kabilang buhay na. Ipinagpapasalamat natin ang mga kabataan na siyang magpapatuloy ng lahat ng ito sa susunod na panahon. Ito ang tema ng ating pagdiriwang na siyang ating pagninilayan at isasabuhay hanggang sa susunod na taon.

Sa pagkakataong ito ay hayaan po niyong ipaliwanag ko ang kahulugan ng logo ng ating pagdiriwang.

Ang imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima na siyang muling iniluklok sa ating altar simula noong nakaraang taon ay nasa gitnang bahagi ng logo. Para po sa mga hindi pa nakakaalam, ang imaheng ito ng Mahal na Birhen ng Fatima ay pinipintuho sa ating parokya simula pa ng ito ay nasa GAMI Compound noong mga taong isang libo siyam na raan at anim na pu. Pinaniniwalaan na ito ang pinakamatandang imahen ng Fatima sa ating bansa sapagkat bago pa ito ipinagkaloob ng yumaong Padre Jose Delos Santos ay matagal na niya itong iniingatan. Ang imaheng ito ang siyang saksi sa mayamang kasaysayan ng ating Parokya, kaya’t sinasagisag niya ang pagkakaisa ng ating sambayanan, ng mga naglilingkod at namimintuho dito simula pa noong mga unang taon ng Parokya, ng kasalukuyang henerasyon, at ng hinaharap.

Ang Simbahan na nasa ibabang bahagi ng logo ay sumasagisag sa Simbahang bato na itinatag ng ating Panginoong Jesucristo. Mula sa isang payak na gusali sa dating pook-dalanginan ay itinayo sa loob ng labingpitong taon ang ating Simbahan sa tulong ng mga samahan at indibidwal gayundin ng mamamayan ng Fatima, Portugal na nagkaloob noon ng malaking tulong upang maipatapos ang pagpapagawa ng Simbahan. Ito ay naging tanyag dahil sa bubungan na hugis pamaypay at korona na sumasagisag sa pagkareyna ng Mahal na Birheng Maria.
Ang tatlong kalapati ay sumasagisag sa tatlong mahahalagang bagay na ating pagtutuunan ng pansin sa pagdiriwang na ito: Grace. Gratitude. Generosity. Biyaya. Pasasalamat. Kagandahang Loob. Ang imahen ng Fatima sa Portugal ay naging tanyag din dahil sa mga kalapati sapagkat sa maraming pagkakataon na ang imahen ay inilalabas kapag may prusisyon, palaging lumilipad ang mga kalapati patungo sa imahen at dumadapo sa paanan nito.

Ang tatlong laso naman ay sumisimbolo sa tatlong henerasyon – kasama na dito ang lahat ng mga mananampalataya at naglilingkod sa Parokya – na pinagbubuklod ng pagdiriwang na ito: ang nakaraang panahon, ang kasalukuyan, at ang hinaharap. Ito rin ay sumasagisag sa ating masayang pagdiriwang o festivity na sinasalamin ng ating buong pusong pananabik sa pagsapit ng susunod na taon.

At ang mga katagang “50 Years of Grace, Gratitude, and Generosity with Mary” ay nagpapahayag ng tema na siyang magiging sentro ng lahat ng pagdiriwang.

Minamahal na sambayanan ng Diyos, kayo po ay malugod naming inaanyayahan na maging bahagi ng isang taong pagdiriwang na ito. Sa mga susunod na linggo ay amin na pong ipapaalam ang mga gawain at proyekto kaugnay nito. Sa tulong ng Mahal na Birhen ng Fatima na nangakong hindi tayo pababayaan ay sama-sama nating tatahakin ang landas patungo sa kanyang Anak. Nawa ay magdulot ang pagdiriwang na ito ng ibayong sigla sa ating pamayanan, panibagong buhay sa ating pananampalataya, at higit na pagmamahal sa ating Panginoong Diyos.

Mabuhay ang ating Parokya! Mabuhay ang Mahal na Birhen ng Fatima! Magandang umaga po sa inyong lahat.

Thursday, March 4, 2010

Program for the Launching of the Golden Year Celebration

On March 7, 2010, Sunday, the One-Year Preparation and Celebration of the Golden Year of the Parish of the National Shrine of Our Lady of Fatima will be formally opened. To highlight this milestone, the following is the program of activities:

Assembly at the Former Location of the Church
(GAMI Compound) near Chowking Fatima (8:00 a.m.)

Procession from the Former Location of the Church to the National Shrine (8:30 a.m. sharp)

Unveiling and Blessing of the 50th Year Logo Billboard (After the Procession)

Concelebrated High Mass (9:00 a.m.) to be highlighted by the launching of the Prayer in Preparation for the 50th Year of the Parish.

Sunday, February 28, 2010

The Countdown Begins on March 7, 2010


The year was 1961. It was roughly a year after when in July 21, 1960, pursuant to the Executive Order No. 401 signed by then President Carlos P. Garcia, the town of Polo was divided and the new municipality of Valenzuela was created. This comprised the ten towns that were excluded from the old town of Polo: Karuhatan, Marulas, Malinta, Torres Bugallon (now Gen. T. de Leon), Ugong, Mapulang Lupa, Paso de Blas, Maysan, Canumay and Bagbaguin. The years were very uncertain. The old church of San Diego de Alcala in Polo was too far for the people of Valenzuela. It was the time when they, longing for the love of the Lord, need a church that can be called their own. Thus, the second parish in Valenzuela was born on March 7 of the same year and was dedicated under the patronage of Our Lady of Fatima.

Today, as an ecclesial community, the Parish has truly come a very long way and is further continuously entrusted the growth of evangelization in the City. The 17 years of faith and hope in building the structure became a fulfillment that has been serving as an endless source of inspiration for the faithful. The Parish which houses the National Shrine of Our Lady of Fatima has been a haven in the vale of human travails and an oasis amidst dehumanizing aridness of man’s designs and needs. It has become a living testimony of the people’s ever increasing devotion to Our Lady of Fatima and echoes until now the inner desire of the faithful to be united to Christ through the Blessed Virgin.

50 years of grace. 50 years of gratitude. 50 years of generosity with the Blessed Virgin Mary. The Golden Year of the establishment of the Parish is a special time for the community to give thanks to God Almighty and Our Lady of Fatima for the bountiful graces that it has received for the past years. It’s also an exceptional opportunity to show appreciation for the lay members of the community who have been serving the Parish since its early years and for the present generation who will hand the tradition of faith and Marian devotion to the future.

Join us as we begin the year-round preparation and celebration of the 50th Anniversary of the Parish of the National Shrine of Our Lady of Fatima, Valenzuela City which will be launched on March 7, 2010. Be updated with the activities, programs, and projects on this blogsite.